Sunday, April 5, 2009

Modernong Nasyonalismo 4/5/09


Ano nga ba ang nasyonalismo? Ano nga ba ang pwedeng gawin ng mga kabataan para sa ikauunlad ng bayan? Marahil may mga magsasabing ang dapat magsimula sa pagsusumikap mag-aral at magkaroon ng magandang pangarap para sa sarili, sa pamilya at sa bayan.

Ngunit hindi sapat ng ganito lang ng ganito palagi. Tila matatamis ng mga salita na wala naman talagang halaga kung susukatin ang pagmamahal sa bayan. Hindi ko naman sinasabing mamatay kang parang si gat jose rizal kung hindi maging bayaning walang pangalan sa inyong sariling kakayanan.

Ang ibig kong sabihin ay maging praktikal at matalino. Ang simpleng pagtapon ng basura sa tamang basurahan ay malaking bagay kung ginagampanan natin ito araw-araw at nang tuloy-tuloy. Marahil mas importanteng matutong pumila ng maayos para ipakita na may pagkakaisa para sa kaayusan. Siguro'y kasama na rito na magkaroon ng integridad sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Sa inyong mga pamilya, kaibigan, kaklase o katrabaho importanteng ipakita na tunay na meron tayong integridad.

Hindi siguro sapat na bumoto lamang, hindi sapat na kumanta lang ng lupang hinirang, hindi sapat na pumapasok lang sa eskwela, hindi sapat na kabisado ang panatang makabayan.

Ang kailangan ng ating modernong bayan, ng modernong kabataan, sa modernong panahon, ay ang modernong nasyonalismo. Yung praktikal at matalino. Yung may integridad.

No comments:

Post a Comment