Saturday, April 25, 2009

BALIKATAN? o BALIKTARAN?

Naging malaking issue ang pag alis ni Cor. Daniel Smith matapos siyang palayain ng Court of Appeals (CA).

Ngunit hindi katanungan kung si Smith ay guilty or hindi sa kasong rape. Hindi na natin malalaman pa ang katotohanan. Ngunit may isang bagay tayong puwedeng matutunang muli sa mapait na nangyaring ito.

Dapat ay ibasura na yang BALIKATAN na yan upang maiwasan ang mga gulong ganito. Tayo pang mga Pilipino ang lumalabas na kahiya hiya?

Kawawa ang batang babae. Maaaring siya ay na-rape, maaari siya ay napilitan magbenta ng aliw. Ang malinaw ay kahit saang angulo mo tignan ay siya ang talo. Damay tayong lahat ng Pilipino.

Bakit nga ba kailangan natin ng BALIKATAN? Kelan ba tayo maninindigan na ayaw na nating maging laruan ng mga Kano?

Napabuti na noon ng napalayas natin ang mga Kano at natanggal ang mga kampo nila sa Pilipinas upang ngayon ay pabalikin sila bilang mga bisitang tinatanggap natin ng maayos. Pero kapag nagkaipitan na, tayo at tayo rin ang kawawa.

Ilang mapapait pa bang karanasan ang kailangan nating pagdaanan para matuto tayo? Tayo ang ginagahasa ng bansang Amerika. Tayo ang patuloy na nagiging biktima.

Kelan ba tayo magigising? Kapag huli na ang lahat? Hoy! Gobyerno, kelan ka matututo! Hoy! Pilipino, kelan ka magbabago!

No comments:

Post a Comment